Renewal ng business permit sa Lucena City, sinimulan na
Quezon

Renewal ng business permit sa Lucena City, sinimulan na

Jan 6, 2022, 2:56 AM
Annadel Gob

Annadel Gob

Writer

Sinimulan muli ng City Government of Lucena ang pagpoproseso ng Business Permit sa pagbubukas ng taong 2022.

LUCENA CITY, Quezon- Nagsimula ng iproseso ng lungsod na ito ang lahat ng renewals at applications ng mga business permits at licenses noong January 3.

Dahil na rin sa ipinatutupad na mga quarantine protocols kontra Covid19, kontrolado ang dami ng tao na tumutungo sa tanggapan sa bahagi ng Lucena City Government Complex bilang pagsunod sa safety health protocols.

Naging positibo naman ang reaksyon ng mga Lucenahing negosyante sa maluwag at maaliwalas na daloy ng proseso ng pagpapa-renew ng permit.

Ayon sa pahayag ni Lito Trinidad, isang negosyante mula sa Barangay Ibabang Iyam,nagustuhan nito ang maayos na sistema,pagproseso ng renewal ng business permit at bagong schedule ngayong taon.

Nakatakda ngayong taon ang ibang schedule angBusiness Permit and Licensing Office (BPLO) para sa mga negosyante.

Kung dati ay sa pamamagitan ng color coding, ngayon ay sinubukan ng tanggapan ang Alphabetical Order ng pangalan ng negosyo kung saan ay tatanggap lamang ang opisina ng 220 hanggang 250 na aplikasyon sa isang araw.

Pahayag naman ng opisyal ng BPLO na magtatapos ang naturang renewal sa katapusan ng buwan ng Enero at maaaring ma-extend ito sakaling maraming bilang pa ang hindi makapag-rerenew ng kanilang business permit sa loob ng ibinigay na panahon.

(with reports PIO Lucena)


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.