PUP-Mulanay Top 2 Sa LET
Quezon

PUP-Mulanay Top 2 Sa LET

Ikatlo at Ikasiyam sa Top 10, Quezonin din

Dec 19, 2022, 2:43 AM
Gem Suguitan

Gem Suguitan

Columnist

Tagumpay! Sa mahabang tala ng mga nakapasa sa pagiging guro, nangibabaw ang mga natatanging Quezonin mula sa mga bayan ng Mulanay, Unisan at Lucban.

Tatlong Quezonin ang nasa Top 10 sa Licensure Examination for Professional Teachers (L.E.P.T.) sangayon sa resulta ng Professional Regulation Commission (PRC) at ng Board for Professional Teachers (BPT) na inilabas nitong Biyernes, Disyembre 16.

Nasungkit ng Polytechnic University of the Philippines-Mulanay (94.67 percent) ang ikalawang puwesto sa pinakamataas na antas bilang Top Performing School sa pagkapasa ng mga bagong guro sa elementarya habang nakuha naman nina Jayson Villorente Sta. Rosa ng PUP Unisan ang ikatlo sa pinakamataas na antas (94 percent) at ni Roxanne Osorio Flores ng Southern Luzon State University sa Lucban ang ikasiyam na puwesto (92.80 percent).

Pawang guro sa elementarya ang dalawa.

Mayroong 79 na kumuha ng pagsusulit mula sa PUP Mulanay noong Oktubre 2 at 74 sa mga ito ang nakapasa at hindi bababa sa 80 percent ang marka.

Sa elementary level, mayroong 91,468 na kumuha ng pagsusulit sa bansa at 49,783 sa mga ito ang nakapasa bilang guro (54.43 percent). Sa high school level naman ay 139,534 ang kumuha ng pagsusulit at 71,080 (50.94 percent) ang naging Lincensed Professional Teacher (LPT).

Ayon pa sa PRC, 49,783 sa mga nakapasang guro sa elementarya, 29,183 ay unang beses pa lamang kumuha ng pagsusulit habang 20,600 sa mga ito ay repeaters. Sa mga nakapasa sa pagiging guro sa sekundarya, 50,549 ang first timers at 20,531 ang nag-ulit nan g pagsusulit. Sa kabuuhan, may 120,863 na bagong guro sa bansa.

Ang resulta ng pagsusulit ay lumabas matapos ang 56 working days mula nang kumuha ng board exam ang mga guro. Ang mga hindi pinalad na makakuha ng pasadong marka sa pagsusulit na ito ay maaaring kumuha pang muli hanggang kanilang mapagtagumpayan ang pagsusulit


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.