PRIYORIDAD AY KALUSUGAN
Quezon

PRIYORIDAD AY KALUSUGAN

Jan 16, 2023, 4:29 AM
Gem Suguitan

Gem Suguitan

Columnist

Maging maayos kaya ang pagpapatupad ng bawa’t bayan para sa pantay ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan? Asahan na ang mabuti at mabungang resulta mula sa paglagda ng mga meyor sa kasunduan bilang patunay ng pakikiisa at pagsang-ayon nila sa pagsasakatuparan ng Province-Wide Health System Integration. Dahil nagunguna sa priyoridad ang kalusugan ng mamamayan, sinisigurp ng mga lokal na opisyal na tatanggapin ito ang mga mamamayan, kahit ano pa ang kalagayan sa lipunan.

Health Ang Priority Ng Mga Mayor

TAYABAS, Quezon — Nagkaisa ang mga Local Chief Executive (LCE) ng bawat bayan at lunsod sa lalawigan ng Quezon na gawing priyoridad ang kalusugan ng mga Quezonin.

Nilagdaan ng mga LCE ang kasunduan sa Ceremonial Signing of Memorandum of Agreement (MOA) for Province-Wide Health System Integration in Quezon sa bayang ito noong Enero 13.

Pinangunahan ni Gobernador Helen Tan ang programang ito, kasama ang Bise Gobernador na si Anacleto ‘Third’ Alcala, Sangguniang Panlalawigan Chair ng Committee on Health and Sanitation na si Bokal John Joseph Aquivido, Provincial Health Officer II na namumuno sa Integrated Provincial Health Office (IPHO) Dr. Kristin Mae-Jean M. Villaseñor, Provincial Health Officer I Dr. Kris Conrad Mangunay, mga kawani ng Provincial Health Office, at mga panauhing sina Dr. Ariel I. Valencia na Regional Director ng DOH Center for Health Development IV-A at DOH Undersecretary mula sa Health Policy and Infrastructure Development Team na si Dr. Kenneth G. Ronquillo.

Kabilang din sa mga bisita ang mga kaagapay mula sa USAID at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Regional Office IV-A sa pamumuno ni Dr. Santiago Abaricia.

Isinaad sa MOA na higit pang paiigtingin ng Pamahalaang Panlalawigan kaagapay ang mga pamahalaan ng bawat bayan ang pagpapatupad ng Universal Health Care (UHC), pagbibigay ng karapatdapat na serbisyong pangkalusugan, paglulunsad ng mga primary care provider networks at pagsasaayos ng mga pasilidad ng lalawigan.

Hangarin ng UHC na ang bawat mamamayan ay mabigyan ng de-kalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan.

Matatandaan na ang mga ito ay kaugnay ng batas na naisulong noong si Gobernador Helen Tan ay isang kongresista at naging Tagapangulo ng Committee on Health sa kongreso.

Ang UHC o Republic Act 11223 ay naging batas noong Pebrero 20, 2019.


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.