Panelo Said
Panelo said

PH ‘back to normal’ by 2023

Mar 5, 2021, 6:42 AM
Attorney Salvador Panelo

Attorney Salvador Panelo

Author

Counterpoint on Private Companies ready for COVID-19 vaccine, Marichu Mauro No longer in Government Service, Possibly Back to Normal in 2023 and No more swab test

(Compiled by OpinYon Researcher Inalou Facun, based on "Counterpoint" March 03, 2021 episode)

Private Companies ready for COVID-19 vaccine

“Pati yung mga pribadong kompanya eh naghahanda na rin po sila, sang-ayon po dito sa Philippine Management Association of the Philippines (PMAP), siguro daw 2/3 ng mga pribadong kompanya ang naka-ready na para yung mga empleyado nila ay maturukan ng bakuna against Coronavirus. Sang-ayon po sa survey na ginawa ay mga 65% ng mga 250 human resources practitioners ang nagsilbing respondents na nagsasabi ang kanilang kompanya talaga either naghahanda na or in the process of paghahanda o kaya naman sila ay nakabili na ng bakuna pero hindi pa naide-deliver.”

Marichu Mauro No longer in Government Service

“Iyong ambahador sa Brazil na si Marichu Mauro, na nakita po natin sa news sa video na minamaltrato niya yung kanyang kasambahay (household helper) nirekomenda ng DFA imbestigahan, na nagresulta sa kanyang dismissal inaprobahan ni Presidente – Dismissed from the service kasi hindi lang ho salitang masasakit, physical pa ang ginawa niya eh service staff niya yun kaya ayun dismiss siya ngayon.Hindi lang yung dismissal kasi pati yung retirement benefits niya. Nagtrabaho kayo ng pagkatagal-tagal sa gobyerno eh hindi po ba under the law meron tayong matatanggap at the end of our service if you reach the age of 60 or 30 years of service kung hindi tayo nagkakamali.”

Possibly Back to Normal in 2023

“Meron binanggit si Presidente na iyong ating bansa ay makakabalik na sa normal siguro by 2023 sapagkat pag dumating na siyempre ung mga bakuna mas malakas na yung tiwala ng bawat isa na bumalik na sa dati nilang ginagawa, iyong mga pabrika natin mga kumpanya magbubukasan na muli. Kaya sabi ni Presidente early in the first or second quarter of year 2023 eh baka sa tulong ng Diyos makakabalik na tayo sa normal.

“Eh sabi ni Sec. Galvez naman, eh pag meron ng bakuna marami na ang nabakunahan eh irerekomenda niya kay Presidente na talagang luwagan na yung mga restrictions, bukasan na natin nang bukas na bukas ang ating economy”.

No more swab test

“Sabi daw po ng IATF (Inter-Agency Task Force) yun daw pong test sa mga magbibiyahe yun niluwagan na hindi na kailangan kayong magpa-swab test kung may mga pupuntahan kayo. Maliban na lang kung yung pupuntahan niyo nire-require kayo kasi baka nman merong spikes sa kanila mataas ang covid cases eh kailangan talaga eh mag-swab test kayo. O kaya itong DOT (Department of Tourism) okay naman sa kanila yun basta yan na ho yung magiging uniform na yung travel rules natin hindi na kayo mag- quarantine unless na meron kayong sintomas.”

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.