Palay farmers sa Quezon, sa wakas nakatanggap ng ayuda mula sa DA
Quezon

Palay farmers sa Quezon, sa wakas nakatanggap ng ayuda mula sa DA

Sep 24, 2022, 7:38 AM
Annadel Gob

Annadel Gob

Writer

Patuloy ang pagbibigay ng tulong pinansyal ng Department of Agriculture (DA)para sa mga magsasaka sa Quezon.

Sa wakas, nakatanggap din ng tig-P5,000 na tulong pinansyal mula sa Department of Agriculture (DA) ang nasa 2,495 na magpapalay mula sa mga bayan ng Tagkawayan at Calauag, Quezon nitong September 22 hanggang 23.

Ang naturang ayuda ay mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) program ng kagawaran.

Layunin ng programang ito na mabigyan ng suportang pinansyal ang mga kwalipikadong magpapalay mula sa labis na taripang nalikom sa mga naangkat na bigas ng bansa.

“Ang halagang inyong matatanggap ay pwedeng gamitin pambili ng abono, binhi, at iba pa ninyong pangangailangan,” pahayag ni DA IV-CALABARZON OIC-Regional Executive Director Milo Delos Reyes.

Tiniyak naman ni Quezon 4th District Representative Mike Tan na patuloy na tututukan ng kongreso ang pagbibigay ng tulong at pagpapatupad ng batas para sa ikaaangat ng kalagayan ng mga magsasaka.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga magsasaka sa ayudang kanilang natanggap.

“Dahil sa P5,000 ito, may pambili na ako ng abono at mga kagamitan na kailangan ko tulad ng pang-spray sa damo at iba pa,” ani Juanita Petalcoren, magpapalay sa Tagkawayan.

Dagdag pa ng mga magsasaka, hindi aniya sila pinabayaan ng kagawaran at patuloy ang pagbibigay ng suporta sa magpapalay.

(Larawan mula kay Betina Andrea Perez)

Tags: #Department of Agriculture, #ayuda, #RCEP, #palay farmers


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.