Paggunita ng ika -123 na Araw ng Kalayaan sa Padre Burgos, naging matagumpay
Celebrations and Festivals

Paggunita ng ika -123 na Araw ng Kalayaan sa Padre Burgos, naging matagumpay

Jun 12, 2021, 7:23 AM
Annadel Gob and John Bello

Annadel Gob and John Bello

Writer

“Bilang pangkaraniwang mamamayan, maaari natin itong alagaan at pagyamanin sa pamamagitan ng pagmamahal sa ating bansa, pagtangkilik sa sariling atin, paggalang sa watawat at pagkakaroon ng pledge of allegiance sa publiko at mamamayan.”

PADRE BURGOS, Quezon – Matagumpay na idinaos kaninang umaga sa bayan ng Padre Burgos ang paggunita ng ika-123 Araw ng Kalayaanna may temang, “Diwa sa Pagkakaisa at Paghilom ng Bayan.”

Pinangunahan nina Mayor Ruben "Rav" Uy Diokno, Vice Mayor Edonna Amith at Ryan Panganiban, Pangulo ng LAGUIMANOK ng Padre Burgos (Sambayanang Kapisanang Pangkasaysayan, Kultura at Sining), ang mga seremonya na isinagawa sa harap ng munisipyo ng bayan.

Kabilang sa mga isinagawang aktibidad ang flag-raising, wreath-laying ceremony at 21-gun salute sa harap ng monumento ni Gat Jose Rizal.

Sa kanyang mensahe sa naturang selebrasyon,sinabi ni Mayor Diokno na maraming mga bayani ang nagbuwis ng kanilang buhay upang makamit ang kalayaang tinatamasa.

“Bilang pangkaraniwang mamamayan,maaari natin itong alagaan at pagyamanin sa pamamagitan ng pagmamahal sa ating bansa, pagtangkilik sa sariling atin, paggalang sa watawat at pagkakaroon ng pledge of allegiance sa publiko at mamamayan,” pahayag ni Elmer Caintic , tagapagsalita ng alkalde.

“We can be a hero in our own little way and we should know our existence as a Filipino,” dagdag pa niya.

Madamdamin namang binalikan ni Panganiban ng LAGUIMANOK ang liham ni Rizal sa mga repormista.

“Angkalayaan ay para lamang sa mga nakahandang ipaglaban at sahimagsikan ng Katipunan na pinamunuan ni Andres Bonifacio namalas ang katotohanan sa pahayag na ito,” aniya.

Binigyang-diin ni Panganiban na hindi lamang dapatnakatuon sa isang petsa at pook ang perspektiba ang pambansang kalayaan sapagkat ang mga pahayag at pagkilos para sa mga katuparang ito ay hindi naganap ng iisang beses lamang.

Tiniyak naman ng mga nagsidalo na nasunod ang mga health protocol na ipinatutupad dahil na rin sa umiiral na pandemya ng Covid-19.

Tags: #OpinYonQuezonin, #PadreBurgosQuezon, #IndependenceDay


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.