PAGASA PARA  SA LADY- PDLs
Quezon

PAGASA PARA SA LADY- PDLs

Dec 27, 2022, 1:26 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Sabon ba ang kailangan upang maging kaayaaya ang likod ng rehas? Bagama’t hindi kailanman magiging maligayang tahanan kahit punuin pa ng sabon ang isang piitan, ang pagsasanay naman ay malaki ang maitutulong sa kababaihan sa dorm ng Bureau of Jail Management and Penology sa Lucena. Madadala pa nila ang kaalamang ito sa kanilang paglabas!

Upang mabigyan ng bagong kaalaman ang mga babaeng PDL o Persons Deprived of Liberty na nasapamumuno ni Jail Warden J/SInsp. Fernita M. Endrenal, tinuruan ng paggawa ng sabon ang mga nakapiit sa BJMP Female Dorm sa Lunsod ng Lucena.

Ito ay bahagi ng 18-day campaign to end violence against women (VAW), ayon sa Presidential Proclamation 1172 s.2006. Pinangunahan ng Provincial Gender and Development Office (PGAD) ang pagsasanay, katuwang ang training team ng Soap Farm.

Local Training Hub

Kaugnay rin ng mga gawain ng PGAD, kinilala ng Philippine Commission on Women ang lalawigan na pinamumunuan ni Gobernador Angelina Tan bilang isa sa 12 local training hubs sa bansa.

Quezon ang tanging lalawigang kabilang sa rehiyon ng Calabarzon — na binubuo ng Cavite, Batangas, Laguna, Rizal, at Quezon — at nagsisilbing huwaran para sa Gender and Development (GAD) ng mga pamahalaang lokal at mga national agency.

Humiling na makapagdaos ng benchmarking activity upang matuto pa at makapagsagawa ng tinatawag na best practices sa kanilang bayan noong Disyembre 22.

Ito ay sa pinangunahan ni Mayor Lorelie Fabon, mga bumubuo ng Sangguniang Bayan ang bayan, mga kapitan at ng MGAD Focal Point System, at ng mga opisyal ng Santa Maria sa Romblon. Kasama rin nila ang mga pinuno ng mga tanggapan sa kanilang munisipalidad.

Nagpaunlak naman ang mga kawani ng programang Gender and Development o PGAD at nagtalakay ng mga gawain ng ahensya sa pangunguna nina Assistant Department Head Norliza Labitigan at Sedfrey Potestades.

Kontra Abuso

Ang PGAD ay nagbibigay lakas at kakayahan sa mga kababaihan upang sila ay magkaroon ng kakayahan at maging ligtas sa karahasan at pang-aabuso. Ito ay nakapaloob sa Magna Carta of Women o Republic Act 9710.

Malaki ang suporta ng pamahalaan ditokung kaya't lahat ng mga munisipalidad at lunsod sa bansa ay obligadong tumupad sa mga gawain kaugnay nito. (Datos at mga larawan mula sa Provincial Government of Quezon FB)


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.