Enhanced Nutribun Supplementation Program, inilunsad sa Quezon
Quezon

Enhanced Nutribun Supplementation Program, inilunsad sa Quezon

Sep 23, 2022, 5:18 AM
Annadel Gob

Annadel Gob

Writer

Upang matutukan ang suliranin sa malnutrisyon, inilunsad ng pamahalaang panlalawigan ang Enhanced Nutribun Supplementation Program sa Queen Margarette Hotel sa lungsod na ito noong Huwebes (Setyembre 22).

LUCENA CITY, Quezon - Upang matutukan ang suliranin sa malnutrisyon, inilunsad ng pamahalaang panlalawigan ang Enhanced Nutribun Supplementation Program sa Queen Margarette Hotel sa lungsod na ito noong Huwebes (Setyembre 22).

Pinangunahan ni Quezon Governor Dr. Helen Tan ang naturang programa, kasama sina 3rd District Board Member JJ Aquivido bilang Chairman ng Committee on Health and Sanitation ng Sangguniang Panlalawigan, Provincial Nutrition Action Officer Joan Maricel Zeta-Decena at mga kinatawan mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan.

Ayon kay Tan, lumalabas sa pag-aaral ng Expanded National Nutrition Survey noong 2019 ng DOST-FNRI para sa probinsya ng Quezon na tatlo sa bawat 10 o 32.2 porsiyento ng mga batang may edad lima pababa ay malnourished at marami sa mga bata ang anemic.

Ayon pa sa survey, dumaranas ng food insecurity ng maraming sambahayan sa lalawigan ng Quezon.

“Nababahala tayo sa ganitong numero at estado ng nutrisyon sa ating probinsya. Kaya naman nagsagawa tayo ngayong araw ng pagpupulong upang maipagpatuloy at mapagtuunan ng pansin ang enhanced nutribun para sa ating mga kalalawigan,” wika ng gobernadora.

Ang enhanced nutribun ay may sangkap na kalabasa at karots, at mayroon din itong 500 kcal, rich in macro at micronutrients na magbibigay ng nutrisyon sa mga batang undernourished.

Ayon pa sa gobernadora, ito aniya ay malaki ang maitutulong hindi lamang sa nutrisyon kundi sa kabuoang kalagayan ng probinsya sapagkat kasama ang kalusugan ng mga mamamayan sa kagalingan ng lalawigan.

Lumagda ang mga dumalo ng isang dokumento ng pagsuporta sa adhikain ng pamahalaang panlalawigan na maisulong ang pangkalahatang kalusugan ng bawat Quezonin.

(Larawan mula sa Provincial Government of Quezon)

Tags: #DoktoraHelenTan #enhancednutribun, #nationalnutritionsurvey


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.