Panelo Said
Panelo said

Barangay officials who condone health protocol violations will face charges

Jun 11, 2021, 5:52 AM
Attorney Salvador Panelo

Attorney Salvador Panelo

Author

Counterpoint on Vaccinated Pinoys should still follow health protocols, No parties yet, Barangay officials who condone violations to face charges, Number of apprehended violators, More vaccines given green light and on Celebrating World Environment Day

(Compiled by OpinYon Researcher Inalou Facun, based on "Counterpoint" June 09, 2021 episode)

Vaccinated Pinoys should still follow health protocols

“Ang sabi po ni Presidente Rodrigo Duterte itong mga nabakunahan ay mag-ingat pa rin sapagkat hindi ibig sabihin kung kayo’y nabakunahan na ay kayo’y ligtas na. Kailangang-kailangan pa ring ipatupad yung mga health protocols.”

No parties yet

“Samantala, ito pong DOH [Department of Health] inuulit po nila na yung mga kasiyahan, mga parties, pagdiriwang ito po’y bawal pa rin sa panahon ng pandemiya. Tayo po ay kung maaari lang sumunod sa mga ipinatutupad ng mga Local Government Units sa pagsunod sa mga minimum health protocols. Alam niyo ba, na meron na nga silang joint memorandum na pinirmahan yang mga opisyal natin sa DOH at saka yung mga ahensya ng gobyerno. Nagpalabas po sila ng mga guidelines kung papaano itong mga lumalabag sa health and safety protocols at lahat ng uri ng mga quarantine related violations eh mabibigyan ng karampatang parusa.”

Barangay officials who condone violations to face charges

“Sabi ni DILG Secretary Eduardo Año, kaugnaydoon sa mga barangay officials na hindi nagpapatupad at nakikipagsabwatan pa doon sa mga nagbibigay ng mga handaan aykinasuhan na.

“Inulit po natin yung ating opinyong legal na yun pong mga pasaway eh pwede nating kasuhan anong kaso? Eh hindi po ba sa ating kodigo pinal merong tinatawag na krimeng “reckless imprudence” (pag meron kang ginawang isang bagay ng walang patumangga, na hindi mo man lang inaalala na maaaaring yung makasisira makakasakit makakalikha ng danyos at isinagawa mo pa rin, aba pwede kang idemanda.”

Number of apprehended violators

Not wearing facemask

“Alam niyo ba sa record ng DILG, 70,000 ang lumabag yung mga hindi nagsusuot ng face mask (from May 31 – June 06) … sabi ni Sec. Año ng DILG sa kanilang record, 50,021 face mask violations ang naitala doon sa nakaraang linggo at ito ay binigyan ng babala, hindi ho kinulong, pero out of 50,021, 28,807 ang binigyan ng babala pero yung 17,395 eh yun ay minultahan at yung 34,13 binigyan sila ng community service, pero yung talagang sobrang titigas ng ulo 1,126 ang inaresto.”

Mass Gatherings

“Sabi ni Sec. Año 613 ang nagsasagawa ng mga mass gatherings iyong 579 binigyan lang babala yung 28 nagmulta at yung anim binigyan ng community service.”

Physical Distancing

“13,882 total violations na ayaw magdistansya ng tama kaya yung 11,055 binabalaan lamang sila 1,880 nagbigay ng multa 325 community service at iyong 622 talagang inaresto.”

More vaccines given green light

“Sang-ayon po sa Food and Drug Administration nagbigay na sila ng Emergency Use Authorization sa SinoPharm. Sang-ayon kay Dr. Eric Domingo, eh sinuri po nila yung Sinopharm application at ito’y inaprubahan nila noong Lunes (June 7). Inaprubahan din ito noong nakaraang Mayo lang, one week ago, yung Sinopharm binigyan ng World Health Organization ng Emergency Use Authorization at ito ho ang kauna-unahang Chinese jab o bakuna na tumanggap ng green light o go signal.

Celebrating World Environment Day

“Sabi ni Presidente noong Monday, iyong global community eh nag-celebrate ng World Environment Day para paalalalahanan iyong ating kapwa tao sa buong mundo na kailangan nating alagaan ng maayos ang ating planeta.”

“Kaya sabi ni Presidente Dutertekailangang disiplinahin natin ang ating mga sarili upang maalagaan ang ating mundo at kapaligiran."


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.