Bakanteng lupa, ating pakinabangan
Editorial

Bakanteng lupa, ating pakinabangan

Mar 25, 2024, 3:16 AM
Opinyon Batangas News Team

Opinyon Batangas News Team

Writer

Marahil isa itong tumpak na hakbang upang pakinabangan ang mga nakatiwangwang na lupain hindi lamang sa Batangas kundi sa buong kapuluan ng Pilipinas.

Sa pamumuno ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultura (OPAg), isinagawa kamakailan ang isang mahalagang pagpupulong hinggil sa Batangas Coconut Seed Farm Project.

Layon nitong gamitin ang mga hindi ginagamit o mga nakatiwangwang na lupain sa Batangas upang taniman ng dwarf coconuts variety.

Layunin din nito na magbigyan ng dagdag na kita at kabuhayan ang mga lokal na magsasaka ng komunidad.

Ang pagpili sa dwarf coconuts ay nagpapakita ng determinasyon na gawing produktibo ang mga nakatiwangwang na lupain.

Ayon sa OPAg Department Head na si Dr. Rodrigo Bautista, Jr., ang mga dwarf coconut ay mapapakinabangan na sa loob lamang ng 3-5 taon.

Sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at suporta mula sa iba't ibang sektor ng pamahalaan, tiwala tayong matutupad ang layunin ng proyektong ito na asam sana natin na maging modelo ng buong bansa dahil sa dami ng mga lupain na wala namang pakinabang.

Ang pagkakaisa at kooperasyon ng lahat ay mahalaga upang siguruhing magtagumpay ang proyektong ito at mapalakas ang lokal na ekonomiya.

Sa pamamagitan ng Batangas Coconut Seed Farm Project, nagtatagumpay ang lalawigan sa pagtugon sa hamon ng ekonomiya. Ang mga hindi ginagamit na lupain ay magiging simbolo ng pag-asa at pagbabago sa Batangas simula ngayon.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonEditorial


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.