33 baka, ipinamahagi sa Pagbilao
Quezon

33 baka, ipinamahagi sa Pagbilao

May 14, 2021, 9:57 AM
Jake Vinz

Jake Vinz

Writer

Mahigit isandaang mga magsasaka sa Pagbilao, Quezon ang nabiyayaan ng mga baka sa ilalim ng Cattle Fattening Feedlot Project ni Cong. Mark Enverga.

PAGBILAO, Quezon – Isinagawa kamakailan ang pag-turnover ng mga baka sa unang batch ng mga benepisyaryo ng Cattle Fattening Feedlot Project sa bayang ito noong Mayo 12.

Mismong si Quezon First District Congressman Mark Enverga ang nanguna sa pamamahagi ng mga baka sa 100 na mga benepisyaryo ng nasabing programa.

Dumalo rin ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA), at mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Pagbilao at mga barangay na sakop ng naturang programa.

Bukod sa pagkakaloob ng mga baka at kagamitan gaya ng pagkain, gamot at forage seeds, nagsagawa rin ng orientation at pagsasanay sa mga magsasaka.

Ang Quezon Agricultural Farmers Multipurpose Coop (QUAFMUCO) gumanap na conduit cooperative sa naturang programa.

Sa kabuan ang nasabing proyekto na nagkakahalaga ng P5 milyon na nasa ilalim ngprograma ng Department of Agriculture na Cattle Fattening Feedlot ay isinulong sa kongreso ni Congressman Enverga upang mapapondohan sa ilalim ng Bayanihan II.

(JV/Kasama ang ulat mula kay Mon Preña)

Tags: #OpinYonQuezonin, #PagbilaoQuezon, #MarkEnverga, #agriculture, #CattleFatteningFeedlotProject


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.