Habang sunod-sunod ang kaliwa’t-kanang paligsahan sa sports ay tuloy-tuloy din ang pagkapanalo ng mga atletang Lagunense.
Nadagdag sina Zeth Gabriel Bueno at Pi Durden Wangkay sa listahan ng mga Lagunenseng atleta na patuloy na nagbibigay-karangalan sa ating bansa, matapos ang kanilang magkahiwalay na tagumpay sa ika-3 taon ng Asian Youth Games sa Bahrain.
Ang tubong Nagcarlan na si Bueno ang isa sa mga pambatong Muay Thai fighters na itinanghal na panalo noong Linggo, October 27.
Nasungkit niya ang gintong medalya sa score na 9.17, para sa kategoryang Boys’ Wai Kru 14–15.
Nagpamalas naman ang Biñanense na si Wangkay ng kaniyang husay bilang sprinter sa Bahrain National Stadium, kung saan nagtapos siya sa oras na 21.76 second.
Nagwagi siya ng gintong medalya para sa kategoryang Men’s 200m.
Kamakailan lang ay nauna nang humakot ng bronze at silver medal si Wangkay sa Indonesia U18 Open Championships.
Sa pinakahuling ulat (October 28), ang Team Philippines ay mayroon nang 21 medalya (6 gold, 7 silver, 8 bronze) mula sa 2025 Asian Youth Games.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews
