Paggunita sa ika-124 na anibersaryo ng pagbitay kay Rizal sa Luneta
Isang simpleng seremonya sa pag-alaala sa kamatayan ng Pambansang Bayani na si Jose Rizal ang ginanap sa tahanan ng mga Rizal sa Calamba City sa Laguna noong Disyembre 30, 2020. Pinangunahan ni Laguna Gov. Ramil Hernandez (gitna) at iba pang mga lokal na opisyal ang paggunita sa ika-124 na anibersaryo ng pagbitay kay Rizal sa Luneta noong Disyembre 30, 1896. Ang pagdiriwang ngayong taon, na isinagawa sa gitna ng umiiral na pandemya ng COVID-19, ay may temang ‘Jose Rizal: Inspirasyon sa Pagbangon at Paghilom ng Bayan’. (Larawan mula kay Jun Sapungan/Laguna Provincial Information Office)