DA, namahagi ng tulong para sa mga magsasaka sa Calamba photo Opinyon Laguna
Agriculture

DA, namahagi ng tulong para sa mga magsasaka sa Calamba

Nov 18, 2021, 6:14 AM
Kyla Casacop

Kyla Casacop

Writer

INAASAHANG magbibigay ng malaking tulong sa mga magsasaka ang mga farm machinery at iba pang kagamitan na ipinamahagi ng Department of Agriculture (DA) – Region 4A sa mga magsasaka ng Calamba City noong Nobyembre 16.

Personal na sinaksihan nina DA-Region 4A OIC Executive Regional Director Vilma Dimaculangan at ibang opisyal kasama siCalamba City Mayor Justin Marc Chipeco ang pamamahagi ng tulong.

Bahagi ang naturang mga agricultural intervention ng patuloy na pagsuporta ng pamahalaang nasyonal at lokal sa mga magsasaka ng Calamba City na naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal noong Enero 2020.

Batay sa ulat ng DA, umabot sa P3 bilyon ang halaga ng kabuuang danyos sa sektor ng agrikultura matapos pumutok ang Bulkang Taal.

Siniguro ni Mayor Chipeco na magkakaroon ng pagkakataon ang lahat ng local na magsasaka na magamit ang mga heavy equipment at iba pang kagamitan na nasa halagang P10-milyon na ibinigay ng pamahalaan sa kanilang lungsod.

Tags: #CalambaCity, #DA, #agriculturalintervention


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.