Opinyon

We Take a Stand

14 Ph Universities Among Top Schools In Asia

3 min read

(Compiled by OpinYon Researcher Mharvic Zulueta as per “Counterpoint” November 27, 2020 episode)

 

  • – On UP Graduate Holding The Highest GWA Since Post-Era War

Galing po ito sa UP, noong Huwebes. ‘Yon pong PRC [Philippine Regulation Commission] kinumpirma na itong si Jomel Lapides … Itong si Jomel Lapides noong kumuha siya ng eksaminasyon sa board sa Nursing; kung hindi tayo nagkakamali walong taon nang nakakalipas, aba eh nag-top notcher po siya. Graduate siya ng UP Manila ng Nursing, 8 years ago iyon.

Alam niyo ba na itong si Jomel Lapides pinagpatuloy niya yung kanyang Nursing sa Medicine diyan din po sa UP. Alam niyo ba kung anong nakuha niya? Number 1 na naman siya sa Medicine. At saka alam niyo yung nakuha niyang ranggo napakataas – 88.67%.

At sang-ayon sa record ng UP, si Jomel ang may hawak ng record na nakuha niya ang pinakamataas sa kasaysayan – Post-war ah, history. With a General Weighted Average of 1.004.

 

 

  • – On QS World University Ranking In Asia 2021

‘Yon pong QS World University Rankings sa Asia for 2021, nagkamit po ang ating bansa – 14 na eskwelahan, unibersidad dito sa ating bansa. Eh sumali po doon sa listahan nang mga magagaling, higher education institutions. At ito’y ni-release kamakailan ng Quacquarelli Symonds. Ito po’y isang global education think tank and compiler of the world’s university rankings. At ito pong taong ngayon nag-ranggo po ng Top 650 universities sa rehiyon. At mayroong improvement sapagkat nagdagdag ng pito sa ating bansa. Eh ito raw ang the nation’s best ever performance.

At yung Commission on Higher Education eh pinapurihan poi tong mga eskwelahan na ito. Ito po yung pito na nadagdag. At ito yung mga Top 7: UP [University of the Philippines]; Ateneo de Manila; De La Salle University; UST [University of Santo Tomas]; University of San Carlos; Ateneo de Davao; pati po ang Mapua University; Siliman University; Mindanao State University; Iligan Institute of Technology. At yung the rest ito po ‘yon; Adamson University; Central Luzon State University; Central Mindanao University; CPU [Central Philippine University], at yung pinakahuli, Xavier University.

 

  • – On Memo For UP Professors: No One Fails

Ito pong mga UP Professors eh binigyan ng direktiba ng Opisina ng Bise Presidente for Academic Affairs na walang magbabagsak sa inyo o mag-dadrop ng mga estudyante dito sa 1st semester Academic Year 2020 – 2021.

Eh ito ho ang konsiderasyon yung dahil sa pandemya at saka yung mga bagyo. ‘Yon po ang memorandum na pinalabas ng VP for Academic Affairs.

Itong Memo lumabas ito following yung reklamo nila na mayroong … parang hirap sila sa pag-aaral dahil nga sa harsh conditions o yung sunod-sunod na mga bagyo kumbaga tuliro sila sa pag-aaral. Kaugnay pa ito yung panawagan ng mga Atenista – Ateneo students na kung maaari ‘wag na munang mag-impose ng mga requirements.

 

– On False News, According To DEPEd

Samantala, mayroon namang napabalita na may mga nalunod daw na 3 bata o mga estudyante na kasama doon sa Out of School Youth Program – yung self-learning modules diyan po sa Biñan, Laguna.

Eh pinasinungalingan po ito ng DEPEd, hindi naman daw po totoo ito. Kumbaga false news na naman ito. Sabi ho ng School Division Office diyan sa Biñan, hindi totoo ‘yan. Kasi sabi ng pulis hindi naman nalunod, eh ‘yon daw kasing mga estudyante, they went out to deliver clothes para doon sa mga mangingisda na mga naging biktima ng bagyo.

Kaya pakiusap ng DEPEd at pakiusap din natin, bago niyo i-report kasi i-verify. At since hindi naman pala totoo i-rectify niyo na, baguhin niyo.

Leave a Reply

No name or email address required.

You may have missed

3 min read

Youth to Proper Phl. Economy—NEDA

By Rose de la Cruz | Published: January 19, 2021   With 40 percent of the country’s...
1 min read

Eva Cariño Emotional In Touching Burial Of Son Royette

By Boy Villasanta | Published: January 19, 2021   It was a scene not taken...
3 min read

Prioritize Comelec Personnel in COVID-19 Vaccine Program

By Rose de la Cruz | Published: January 19, 2021   Rep. Alfredo Garbin Jr....
4 min read

1896–2021: A Century And A Quarter; January 1970 – The First Quarter Storm

By Linggoy Alcuaz | Published: January 19, 2021 (Second of Three Parts)   Our Moderate Activ...