Opinyon

We Take a Stand

Duterte Extends Suspension VFA Abrogation

3 min read

(Compiled by OpinYon Researcher Mharvic Zulueta as per “Counterpoint” November 13, 2020 episode)

 

–          On Cash Subsidies For Chosen Transport Vehicle Operators

“Ngayon, ito pong LTFRB mayroong magandang binabalita na ‘yon daw pong mga transport vehicles eh bibigyan ng direct cash subsidy. Doon po sa mga piling operator ng mga pampublikong sasakyan sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. Ito po’y alinsunod sa Republic Act 11494 o mas kilala bilang Bayanihan to Recover as One Act. Kung saan mayroon pong nakalaan na P1,161,214,210. Alin ba itong mga ito? Ito’y public utility bus, yung point-to-point bus, ‘yon pong public utility jeepney, yung mga mini bus, ‘yon pong UV express, at yung Phil Cab.”

 

–          On Assistance Programs To Be Given To Displaced Workers Of COVID-19

“…Sa report po ni Presidente Duterte sa Bayanihan 2 Implementation sa Kongreso, eh ‘yon daw pong DOLE interventions eh kasama raw po doon yung adjustment measures program at ito’y one-time financial support ng limang libong piso sa mga apektadong manggagawa rito sa informal sectors. At kasama po rito sa programang ito ay ang 616,000 tourism workers pati na rin yung 59,700 teaching and non-teaching personnels na naapektuhan ng pandemya. At total of 200,000 OFW beneficiaries ang mapapasama po rito sa Abot-Kamay ang Pagtulong na programa ng DOLE. At mayroon po itong budget na P2 billion.”

 

–          On Athletes And Coaches Will Receive Benefits Under Bayanihan 2 Act

“Pati po yung ating mga atleta, sang-ayon naman sa Philippine Sports Commission. 199 athletes at 39 coaches sa water polo, sa basketball, sa dragon boat, sa handball, sa ice hockey, sa softball, sa underwater hockey pati na volleyball kasama po ‘yan. At sila’y makakakuha ng benepisyo rito ngayong June and July allowances kasama po yung 50 percent doon, eh makukuha nila yung kabuuan nuon hanggang Disyembre.”

 

–          On Philhealth Benefits

“At ang Philhealth naman eh sinasabi nila na mayroon din silang mga benepisyo para doon sa mga magkakasakit din. Ito po yung apat na packages para doon sa mild pneumonia, ‘pag ika’y nasospital, you’re entitled to a private room. At ‘yon pong pasyente ay makakatanggap ng 43,997 assistance. At para doon sa Moderate Pneumonia, mayroon kang private rooms at ‘yong ibibigay sayo ay P143,267. Para naman doon sa malala – Severe Pnemonia, private room, the package amount is P333,519. At para doon sa Critical Pneumonia – lumulubhang Pneumonia; Private room nasa ICU, yung package naman po ay P786,384.”

 

–          On Provisions On Water Concessionaires Clauses

“Sabi nga po ni [Justice] Sec. Menardo ‘Maynard’ Guevarra, natatandaan ninyo yung mga water concessions; hindi po ba inatasan si Sec. Maynard Guevarra na pag-aralan kung ano yung mga honorous provisions. At kinumpirma ni Sec. Maynard na itong kanyang departamento e ni-repaso na at binigay na kay presidente ang kanilang rekomendasyon. At si Presidente naman in principle eh pumayag na tanggalin na yung mga previous clauses na pinagbabawalan ang gobyerno na makielam diyan sa water setting na ‘yan. Kasi doon po sa kontrata mayroong nakalagay na interference clause – ibig sabihin, gobyerno ‘di ka puwedeng makialam dito ah pagdating diyan sa kung magkano aming ibibigay na rates ah.”

 

–          On Suspension Of Visiting Forces Agreement

“Samantala, ‘yon pong natatandaan ninyo si Presidente Duterte eh sinuspinde yung abrogation ng Visiting Forces Agreement. Prior to this, eh ‘di ba nagalit si presidente at sinabi niya na kailangan ‘yang Visiting Forces Agreement tanggalin na natin ‘yan, sa maraming dahilan. Inextend niya na naman ho ng six months sang-ayon kay [Foreign Affairs] Sec. Teddy Boy Locsin. Eh pinapayagan daw po ng presidente na ma-extend, mapahaba ulit yung suspension o hindi muna pag-tigil ng Visiting Forces Agreement. Para raw makahanap ng mas magandang at epektibong arrangement para sa ating depensa, mutual kung anong makakabuti sa Amerikano, makakabuti sa Pilipino; ‘yon daw ang gawin natin, hindi yung one-sided.”

Leave a Reply

No name or email address required.

You may have missed

8 min read

Zefanie Dimaranan vs Golden Cañedo At The 33rd Aliw Awards

By Boy Villasanta | Published: December 1, 2020   It is still the royal fight...
3 min read

14 Ph Universities Among Top Schools In Asia

(Compiled by OpinYon Researcher Mharvic Zulueta as per “Counterpoint” November 27, 20...
4 min read

Andres Bonifacio…Atapang Atao

By Boboy Yonzon | Published: November 30, 2020   Once in a while, I have...
1 min read

April Boy Regino Sings His Swan Song

By Boy Villasanta | Published: November 30, 2020   Iconic Filipino singer of the 90s,...