Opinyon

We Take a Stand

(Compiled by OpinYon Researcher Mharvic Zulueta as per “Counterpoint” October 16, 2020 episode)

On business tycoon Ramon Ang and his infrastructure projects

“Magaling talaga to si Ramon Ang. Kaya tingnan nyo mayroon na naman siyang award [Asia Chief Operating Officer Award for 2020]. Hindi po ba siya ang nagpasimuno nitong Skyway 3 kung saan ay dudugtung na yung NLEX sa SLEX? Aba’y masyado pong … kumbaga opposite direction ‘yun.

“Ano bang kabutihan nung Skyway 3? Ibig pong sabihin idi-decongest po natin yung EDSA, sa halip na dumaan kayo sa EDSA dun na kayo. Can you imagine? E di mawawalan na ng traffic sa EDSA.”

On the “downward” trend of COVID-19 cases in the country

“Si Secretary  Carlito Galvez (National Task Force against COVID-19 chief implementer), e binibida at nakikita naman ang ebidensya ah. Hindi lang yung binibida na yabang ah. Yun pong ating mga kaso – mga active cases dito po sa coronavirus e dahan-dahan na bumababa ang bilang. Bakit? Sapagkat ang ating pamahalaan talagang yung efforts nito na pasawata, o isawata, ihinto yung pagkalat ng coronavirus ay nagkakaroon na ng resulta.

“Alam ninyo po ba na out of 88,000 active cases nung August 15 ah, halos dalawang buwan na ang nakakaraan. E bumagsak na po ito, naging 46,000 na lamang. At diyan po sa Metro Manila, yun pong recorded na 20,000 cases noong nakaraang buwan lamang – nung Setyembre. Ito ay bumaba sa 7,830 active cases na lamang. Ibig sabihin 2 percent. Yung 20 percent na active cases ito ay bumagsak sa six percent na lamang.”

On the deployment of COVID-19 Contact tracers

” Ito namang DILG, kay Secretary Ed Año, e mayroon na pong nadeploy na 34,057 COVID-19 contact tracers sa ibat ibang lugar. At yung 23,974 naman e kasalukuyan pong nagte-training. Kaya mayroon po sa ngayon na 64,422 applicants at yung 41,068 sang-ayon kay Sec Año sa kanyang report kay Presidente Duterte e qualified na yung 41,068. At mayroon pa hong additional na 50,000 contact tracers na inaasahan nating pumasok ngayong Oktubre.

“Tanong: Magkano naman yung contact tracers na matatanggap nila, sahod ba? Aba e, malaki rin dahil ho P18,000 rin mahigit – P18,784 per month, oh yun po. So kung kayo po ay walang trabaho e buti pa mag-apply muna kayo bilang contact tracers.”

On the resumption of operations of additional PUV units

“Yung pagdagdag po ng mga sasakyan makakabuti iyon sa ating ekonomiya. Sapagkat hindi po ba ang reklamo nga, walang yung mga factory natin, mga opisina hindi naman lahat nakakapasok e. Bakit? Walang sasakyan e , kulang ang sasakyan. Kaya dagdagan ang mga sasakyan.

“E, kung ako nga ang tatanungin ninyo, ilabas na natin lahat yan. Bumalik na tayo sa dati. Basta, yun lang paalala natin provided we observe the minimum requirements of the health protocols and more importantly yung ating health system maabsorb yung mga magkakasakit. Yun ang pinakaimportante dyan, pag ‘yun nagawa natin, pwede na lahat ‘yan.”

On the issue of 13th month pay

“Paano naman kaming mga maliliit na negosyo? Wala na nga kaming kita, e hirap na hirap na nga kami. Paano naming mabibigay yung aming mga empleyado? E may sagot po diyan si (Labor) Secretary (Silvestre) Bello, kinakausap niya na po si (Finance) Secretary Sonny Dominguez at si (Trade and Industry) Secretary Mon Lopez na bigyan natin ng ayuda para makaahon naman at mabigyan ang kanilang mga empleyado.

“E, pasasaan ba, e habang binubuksan po natin ang ating ekonomiya e ibig sabihin makakabalik na po tayo sa dating lusog ng ating ekonomiya. At pag malusog na ang ekonomiya mo ibig sabihin marami na ang magbabayad ng buwis.”

Leave a Reply

No name or email address required.

You may have missed

8 min read

Zefanie Dimaranan vs Golden Cañedo At The 33rd Aliw Awards

By Boy Villasanta | Published: December 1, 2020   It is still the royal fight...
3 min read

14 Ph Universities Among Top Schools In Asia

(Compiled by OpinYon Researcher Mharvic Zulueta as per “Counterpoint” November 27, 20...
4 min read

Andres Bonifacio…Atapang Atao

By Boboy Yonzon | Published: November 30, 2020   Once in a while, I have...
1 min read

April Boy Regino Sings His Swan Song

By Boy Villasanta | Published: November 30, 2020   Iconic Filipino singer of the 90s,...