Opinyon

We Take a Stand

Suspek Sa Pamamaril, Sumuko

1 min read

CALAUAN, Laguna — Sumuko na ang suspek sa likod ng pamamaslang sa tatlong miyembro ng iisang pamilya sa bayang ito noong Hulyo 12.

Matinding gutom at takot umano ang nag-udyok sa suspek, na nakilalang si Ruel Tolentino, residente ng Barangay Lima, upang sumuko sa Calauan police.

Si Tolentino ang pinaghinilaang pumatay kina Cesario Forteza, anak nito na si Richard Forteza, at ang live-in partner nito na si Maricel Cabarles.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, ang mga biktima ay pinagbabaril sa loob ng kanilang sariling bahay.

Inamin ni Tolentino na away sa lupa ang pinag-ugatan ng krimen.

Si Tolentino ay nakakulong na sa Calauan municipal jail habang inihahanda ang patong-patong na kasong murder laban sa kanya.

 

-o0o-

Leave a Reply

No name or email address required.

You may have missed

3 min read

Leyte Back To MGCQ

By Roy Moraleta I Published: August 6, 2020 PALO, Leyte – Still reeling of continued increase...
1 min read

SILENT PROTEST.

Health workers from Dr. Jose Fabella Memorial Hospital on Lope De Vega St., Sta. Cruz...
4 min read

Vocal Exercises For Seniors Make Them Feel Young, Healthy

By Rose de la Cruz I Published: August 6, 2020 Cabin fever. Claustrophobic. Restless. Since they ...
3 min read

SLEX Extends to Matnog; Manila to Rizal Elevated Road

Travel to the south would soon be faster and convenient with the construction of the...