Opinyon

We Take a Stand

Liquor Ban, Muling Ipinatupad

1 min read

SAN PABLO CITY — Upang mas mahikayat ang mga tao na manatili na lang sa kanilang mga bahay ay muling ipinatupad noon pang Hulyo 17 ang pagbabawal sa pagbenta ng alak sa lungsod.

Sa pahayag ni Mayor Amben Amante, biglang tumaas ang kaso ng COVID-19 sa lungsod na tinatayang dahil sa pagsuway ng ibang residente sa social distancing guidelines at paglabas ng tahanan nang walang dahilan na ipinatutupad ng lungsod.

Kabilang sa mga naobserbahan ng mga otoridad ang nakagawiang pag-iinuman gamit ang iisang baso, gayundin ang  pag-imbita ng mga taga-karatig bayan sa mga pagtitipon.

“Dahil po meron po tayong 71 indibidwal na binabantayan na nakasalamuha po nitong ating mga active patient. Batay po sa ating imbestigasyon, kaya po medyo bumilis ang pagdami ng COVID-19 dito sa ating lungsod, ay meron po tayong ibang mga kababayan na naging pasaway at naging iresponsable,” dagdag ng alkalde.

Aabot na sa 57 confirmed at 30 active cases ng COVID-19 ang naitala sa lungsod, batay sa pinakahuling tala ng Laguna Provincial Health Office noong Hulyo 23.

 

-o0o-

Leave a Reply

No name or email address required.

You may have missed

3 min read

Leyte Back To MGCQ

By Roy Moraleta I Published: August 6, 2020 PALO, Leyte – Still reeling of continued increase...
1 min read

SILENT PROTEST.

Health workers from Dr. Jose Fabella Memorial Hospital on Lope De Vega St., Sta. Cruz...
4 min read

Vocal Exercises For Seniors Make Them Feel Young, Healthy

By Rose de la Cruz I Published: August 6, 2020 Cabin fever. Claustrophobic. Restless. Since they ...
3 min read

SLEX Extends to Matnog; Manila to Rizal Elevated Road

Travel to the south would soon be faster and convenient with the construction of the...