Opinyon

We Take a Stand

MMDRRMC, naka-blue alert sa Traslacion

1 min read

Larawan mula sa PNA

By Beatriz Pereña | Published: January 8, 2020

Para matiyak ang kaligtasan ng mga debotong makikiisa sa Traslacion 2020, nagtaas ng blue alert status ang Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC) hanggang sa Biyernes.

Ipinag-utos ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim, concurrent head ng MMDRRMC, ang pagtataas ng alert status ng disaster and emergency response units ng MMDRRMC

Ang MMDRRMC ay binubuo ng national government agencies at local risk reduction and management councils ng 16 siyudad at isang munisipalidad sa Metro Manila.

“Sa ilalim ng blue alert, lahat ng response clusters at mga miyembro ng MMDRRMC ay naka-standby para rumesponde sa anumang emergency na maaaring mangyari sa pagdiriwang ng taunang aktibidad partikular sa Traslacion,” ani Michael Salalima, concurrent chief of staff ng MMDA Office General Manager at Focal Person para sa Disaster Risk Reduction and Management.

Gaya ng mga nagdaang Pista ng Itim na Nazareno, inaasahan ang pagdagsa ng mga deboto sa isasagawang pursisyon bukas.

Leave a Reply

No name or email address required.

You may have missed

5 min read

The Case Of Baby River: A Balanced View

By Raymund Narag | Published: October 24, 2020   The death of Baby River was a...
2 min read

NASA Astronaut Chris Cassidy, Crewmates Return To Earth

By Mai Sobrevilla | Published: October 24, 2020   After living on board the International...
2 min read

Prayer, Reflection And Action

By Bob Acebedo | Published: October 24, 2020   Action without reflection is recklessness. If...
2 min read

The Illusion Of Perfection

By Amadeus Rex | Published: October 24, 2020   More, more, more. Many believe life...